November 13, 2010

Kilala mo ba ako?

Pangalan ko. Edad ko. Yan lang ba alam mo sakin? Hindi mo naman pala ako kilala e. Hayaan mo, magpapakilala ako sa iyo. Para hindi ka nagmamarunong, at maintindihan mo ako.


Produkto nga pala ako ng isang sira, este sinirang pamilya. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid, lima kung kasama ang kapatid sa ama, at nakakatandang babae. Madami akong bahay. Pakalat kalat ako. Uhaw ako sa maraming bagay. Hindi ako sagana sa mga bagay na meron ka. Gadgets? Kayang kaya ko naman bilhin yan. Pera? Sus. Kayang kaya kong ipunin yan. Alam mo kung anong ikina uuhaw ko? Gusto ko lang ng masayang pamilya. Yun lang. Masaya naman ako e. Pero iba yung saya ng kumpleto kayo. Madalas ko itanong sa KANYA kung bakit ganito yung buhay na naging buhay ko. Madalas ko din naiisip na paano kung hindi ito ang pamilya ko? Malamang iniisip mo ang sama ko. Pero hindi. Hindi mo kasi alam ung pakiramdam ng maging parang nakakaawa sa harapan ng aking mga pinsan. Noong bata ako madalas ako mainggit sa kanila. Dahil lahat ng gusto nila, naibibigay sa kanila. Pero ayos lang un, bata pa ako nun. Wala akong galit sa kung sino man. Mga kapatid ko kay papa? Mahal ko ung dalawa na un. Si papa? Mahal na mahal ko yun. Kahit marami siyang pagkukulang sa akin. Pero alam mo naiisip ko? Parang sumpa yung pagdala ko ng Burgos sa pangalan ko.


Wag kang maawa. Hindi ako nagpapaawa. Nagkkwento lang ako.


Lahat ng bagay may limitasyon. Pati paghiling at pangangarap ay may limitasyon. Mismong buhay nga may limitasyon. Hindi ka pa ba gagawa ng paraan para sumaya? Ako marami akong kaibigan. May boyfriend ako. Nanjan pa ang kung sinu-sino. Sila lang nagpapasaya sakin.


Ikaw, maging masaya ka. Pahalagahan mo buhay na mayroon ka. Lahat ng bagay na naibibigay sayo, alagaan mo. Isipin mo yung mga taong nangangarap magkaroon ng kung anong nakuha mo.


Paalam!


***muning***

No comments: