November 18, 2010

EVOLUTION


---From Otep Shamaya's Blog. This is so true

***muning***

I LOVE YOU











***muning*

November 16, 2010

Attorney- Ang aso naming SNOB :)



---Ayan si Attorney. Pag alam niyang pipicturan siya, lalayo na siya. Nakakatuwa pang tumingin tong aso na to. Kuh!!! Manang mana :)) 

November 14, 2010

Natutuwa ka ba sa mga CHISMOSA?

Chismosa- taong walang ginawa kung hindi dumada at mangielam sa buhay ng may buhay.

Hay nako. Ang aga-aga nabwisit na ako ng kapitbahay ko. Napaka chismosa ng mga MAY EDAD ng tao, no? Hindi nila alam nakakasira na sila ng buhay at imahe ng isang tao. Hindi man ako ang pinag-uusapan nila, hindi ko pa din mapigil ang sarili ko na mabwisit sa kaniya. Araw-araw, gabi-gabi, nasa labas siya ng gate nila. Nag aabang ng maicchismis. Paano kaya kung ikaw naman ang ichismis? Tanda tanda mo na ganyan ka pa din. Ilang taon ka ng ganyan? Hindi ka pa sawa? Imbis na mangielam ka ng buhay ng iba, mag-alaga ka na lang ng apo mo, o kaya mag-ayos ka ng sarili mo. Ang sakit mo sa mata eh. Okay, manang?

PS: HINDI AKO GALIT. SADYANG NAKAKA-IRITA KA LANG. Sana nababasa mo 'to.

***muning***

Sembreak...

Ayan... Yan ang salitang lagi binabanggit ng student pag suyang-suya na sa mga exams.

Pero pag ganito naman na napakatagal ng bakasyon, nakakaumay. Walang magawa. Walang pera. Walang gala.

Gusto mo pa ng sembreak? Almost a month na pahinga? Me, nah.

***muning***

November 13, 2010

Kilala mo ba ako?

Pangalan ko. Edad ko. Yan lang ba alam mo sakin? Hindi mo naman pala ako kilala e. Hayaan mo, magpapakilala ako sa iyo. Para hindi ka nagmamarunong, at maintindihan mo ako.


Produkto nga pala ako ng isang sira, este sinirang pamilya. Pangalawa ako sa tatlong magkakapatid, lima kung kasama ang kapatid sa ama, at nakakatandang babae. Madami akong bahay. Pakalat kalat ako. Uhaw ako sa maraming bagay. Hindi ako sagana sa mga bagay na meron ka. Gadgets? Kayang kaya ko naman bilhin yan. Pera? Sus. Kayang kaya kong ipunin yan. Alam mo kung anong ikina uuhaw ko? Gusto ko lang ng masayang pamilya. Yun lang. Masaya naman ako e. Pero iba yung saya ng kumpleto kayo. Madalas ko itanong sa KANYA kung bakit ganito yung buhay na naging buhay ko. Madalas ko din naiisip na paano kung hindi ito ang pamilya ko? Malamang iniisip mo ang sama ko. Pero hindi. Hindi mo kasi alam ung pakiramdam ng maging parang nakakaawa sa harapan ng aking mga pinsan. Noong bata ako madalas ako mainggit sa kanila. Dahil lahat ng gusto nila, naibibigay sa kanila. Pero ayos lang un, bata pa ako nun. Wala akong galit sa kung sino man. Mga kapatid ko kay papa? Mahal ko ung dalawa na un. Si papa? Mahal na mahal ko yun. Kahit marami siyang pagkukulang sa akin. Pero alam mo naiisip ko? Parang sumpa yung pagdala ko ng Burgos sa pangalan ko.


Wag kang maawa. Hindi ako nagpapaawa. Nagkkwento lang ako.


Lahat ng bagay may limitasyon. Pati paghiling at pangangarap ay may limitasyon. Mismong buhay nga may limitasyon. Hindi ka pa ba gagawa ng paraan para sumaya? Ako marami akong kaibigan. May boyfriend ako. Nanjan pa ang kung sinu-sino. Sila lang nagpapasaya sakin.


Ikaw, maging masaya ka. Pahalagahan mo buhay na mayroon ka. Lahat ng bagay na naibibigay sayo, alagaan mo. Isipin mo yung mga taong nangangarap magkaroon ng kung anong nakuha mo.


Paalam!


***muning***